I went to that mountain again..

Wala naman. Unang araw ng pasukan mula ng bakasyon dahil sa pasko at bagong taon. Maaga na naman gumising.Badtrip!

Buhay Kolehiyo? Masaya. Kaso tinatamad pa akong pumasok kanina O_o

Pero wala akong nagawa. Nagtext si Ama, ginigising na ako. Pinikit ko muli ang aking mga mata. Ang sarap damhin ng malamig na simoy ng hangin at ng aking kutchon. Ayoko pa bumangon. Nagtext na naman, lalamig na raw ang pagkain. Kaya napilitan na naman akong bumaba.

Ayos lang naman. Kailangang magsikap para mapanatili ang pagiging isko. Tulong ko na rin iyon sa aking mga magulang. Ngunit, magpapahuli ba ako? Siyempre, may irog din ako! Yihee..Uulitin ko, Irog! *LOL*

Masaya ako na mula sa paanan ng bundok ay nagtungo siya sa bundok na aking pinapag-aralan upang sunduin at ihatid sa aming bahay. Pagtungo dito sa aming tahanan, nagkwentuhan kami saglit at umuwi na rin siya dahil nais niya akong makapag-aral para sa aking susunod na araw sa unibersidad. (Haup ang mga words ahahaha!)

normal na.

Buhay ng Kolehiyala?

Hindi ko pa masabi sa ngayon. Bago pa lang ako. Pero, ang mahalaga, naeenjoy ko naman. Wala rin naman akong magagawa, sakyan lang ang buhay, tumawa, ienjoy ang buhay habang andito pa.

Katamaran? Unti-unti nang naitat*e ng katawan ko. bumabalik na kasi sa isip ko na wag kalimutang may pinapaghandaan ako. mahalaga un. mukang stir no pero hindi. may mga pangarap akong aabutin. at hindi imposible sa modern youth na may mga nagpupursigi pa rin para bukas. wala eh, nagiging practical lang ako. kailangan naman talagang umayos sa pag-aaral eh. ako rin mahihirapan sa bandang huli pag di ako tumino ngayon pa lang.

pano.

i’ll stop this nonsense posting and start my freakin review. oh well. i need it. gotta go.

kaya ako nagenglish kasi english nga pala title.wahaha. paepek lang un. papalit2 ako ng gagamiting language para masaya.ahaha

No Comments Yet

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a comment